Something that touches the heart


(Mama and I)

I JUST ADDED AN IMAGE..
to reflect on the text below..
SanA nga MagrEflect Comedy Tong Pic eh!
haha:)) Drama nung Sa Story..
bsta nakakaTOuch To GUys! REad it!

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng
kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapagkainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi
mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit
na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana
akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong
bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang
kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling
magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo
noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw
mong
maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito
ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentohan naman tayo, kahit sandali lang.
inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na
sabik na akong makakwentohan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa
mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong
pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy
bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng
karamdaman, huwga mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na
sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong
alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.

Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking
kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka
sa iyong ama’t ina…

-Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

0 comments:

Post a Comment